Paguia, Adaza nanggugulo lang – Sen. Drilon

POSIBLENG nanggugulo na lamang sina Atty. Allan Paguia at Atty. Homobono Adaza sa pagkwestyon sa guilty verdict ng impeachment court kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Senador Franklin Drilon,  kinilala na ng Supreme Court En Banc ang guilty verdict matapos italagang Acting Chief Justice si Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Sinabi ni Drilon na posibleng nanggugulo na lamang sina Paguia at Adaza na una nang kinuwestyon ang hurisdiksyon ng senado para litisin ang impeachment case kontra kay Corona gayung hindi ito dumaan  sa verification.

Samantala, sinabi naman ni Congressman Juan Edgardo Angara, tumatayong spokesman ng House Prosecution Panel na walang legal na basehan ang pagkuwestyon sa guilty verdict kay dating Supreme Court Chief JusticeRenato Corona.

Ayon kay Angara, mismong si Senate President at Impeachment Court Presiding Officer Juan Ponce Enrile na ang nagsabi noong ‘final and executory’ ang anumang ilalabas nilang hatol sa impeachment case ng dating punong mahistrado.

Binigyang diin ni Angara na malinaw sa Konstitusyon na ipinauubaya na sa impeachment court ang  anumang impeachment issue.

Kaugnay nito, binalewala ng Malakanyang ang petisyon sa Korte Suprema na kumuwestyon sa guilty verdict kay dating Chief Justice Corona.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, karapatan nang sinuman na dumulog sa korte kung may nais kuwestyunin subalit naniniwala siyang hindi na magbabago pa ang kapalaran ng dating punong mahistrado.

Sinabi ni Lacierda na tiyak na paninindigan ng Senado ang desisyon nito dahil ‘final and executory’ na, aniya, ang guilty verdict kay Corona kayat hindi na ito maaaring iapela.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply