Pahayag ng Jordan embassy hindi kinagat ng AFP

HINDI kinagat ng Armed forces of the Philippine ang inilabas na report ng foreign ministry ng Jordan nitong nagdaang linggo na bihag ng Abu Sayyaf group (ASG) sa lalawigan ng Sulu ang Jordanian journalist na si Baker Atyani at dalawang Filipino TV Crew.

Sa pahayag ni Lt.Col Randy Cabangbang, tagapagsalita ng  Western Mindanao Command WestMinCom), hindi umano kapani-kaniwala ang naturang ulat .

Ito ay binabase ng military sa mga natatangap na mga panibagong impormasyon na umanoy, papalit-palit umano ng lugar si Atyani at ang dalawa nitong kasamang Filipino na sina Romilito Vela at Rolando Letrero, bagay na hindi umano mangyayari kung sadyang dinukot nga ang tatlo.

Ayon pa sa isang official, ‘AFP wont just buy it’ kung talagang binihag ang tatlong TV crew dahil hindi sila ipapasa sa iba-ibang mga lider ng ASG at mananatili lamang sa isang lugar.

Isa lamang umano ang ibig sabihin kung bakit napupunta ang tatlo sa iba-ibang mga lider ng rebeldeng grupo. Ito’y para ipagpatuloy ang kanilang pakay na isa-isang interbyuhin ang mga lider ng ASG.

Magugunitang may mga naglabasang ulat kamakailan at kasalukuyan ng binebiripka ng military at PNP intelligence community hinggil sa umanoy terror link ni Atyani .

Una nang lumabas na nasa kuta umano ni ASG lider Tuan Nadzmer Alih ang tatlong TV crew at sa kalaunan ay napabalita din na nasa grupo na naman ni Commander Radullan Sahirun ang mga ito.

Umaasa si Cabangbang na isusumite na sa kanila ni Gov. Abdusakur Tan, pinuno ng Crisis Management Committee ng Sulu, ang detalyadong report tungkol sa tunay na kalagayan ng tatlong ‘nawawalang’ bisita ng probinsya.

Sinabi naman ni Col.  Jose Johriel Cenabre, Deputy Commander for Marines operation ng  Naval Forces sa  Western Mindanao…”well yun independent declaration naman yun, unilateral naman yun sa Jordanian embassy, but as to our, what we have on the ground, we still maintain the same position .”

Nabatid na sa panig ng military ay itinuturing pa rin nilang missing ang grupo ni Atyani, kasi nga hindi pa naman sila dinarakip. Ani Cenabre, “I don’t know if they are already dragged by the abu sayyaf, recently pa nga nandun nga sila sa mga position ng other groups other than the abu sayyaf.”

Ang malinaw, ayon sa opisyal …”is that we cannot confirm that they are kidnapped but for sure they are with any group of the AS or even in any armed group, according to our intel and information at yung mga witnesses that they are roaming around.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply