Palasyo ‘di nababahala sa 3% pagbaba sa rating ni PNoy sa sarbey ng Pulse Asia

HINDI nababahala ang Malakanyang sa pahapyaw na pagbaba ng performance rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey.

“No, we are not. It is statistically unchanged. There is a dip of about 3 points which surveys will have it as statistically unchanged. So we are not. It is still high at 67 percent and trust rating at 65 that’s considered high. We have super majority,” ang katuwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda.

At kung sakali man aniya na naungusan ni Senate President Juan Ponce Enrile si Pangulong Aquino sa antas ng most trusted official ay dahil sa mga pangyayaring naganap sa impeachment trial sa loob ng 5 buwan.

“Well it is expected because of the as you mentioned the impeachment trial has in a sense taken over President in terms of media attention as we are all witnesses to the senate impeachment trial. It does not affect us. We are happy for the numbers of Senate President Juan Ponce Enrile who by all accounts have done a (unclear) of handling the senate impeachment trial,” anito.

Sa ulat, ilang araw bago pa ihayag ng Senado ang ang hatol nila kay Chief Justice Renato Corona ay naapektuahan na ang approval at trust ratings ng mga matataas na opisyal ng bansa.

Subalit sa ipinost ng Pulse Asia sa kanilang online na resulta ng  kanilang  May 20-26 survey ay nananatiling nakakuha sina Pangulong Aquino, Vice President Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile ng majority approval ratings.

“President Benigno Aquino III (67 percent), Vice President Binay (81 percent) and Senate President Juan Ponce Enrile (68 percent) succeed in scoring majority approval ratings in the latter part of May 2012. On the other hand, most Filipinos are critical of the performance of … Corona (60 percent),” ang nakasaad sa survey ng Pulse Asia.

Nakakuha naman si Pangulong Aquino ng 10 % disapproval rating, habang si Binay ay 4%
At 7% naman si Enrile.

Si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ay nakakuha ng 37 % approval rating at 19 %
disapproval rating, na may 42% undecided.

Si Corona naman ay nakakuha ng 12 % approval rating at 60 % disapproval rating, na may 26 % undecided.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply