Palasyo kay Corona: Kumuha ng refresher course kay Kim Henares

WALANG balak ang Malakanyang na impluwensiyahan ang anumang law school na kunin ang pinatalsik na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona bilang miyembro ng kanilang faculty.

Subalit, ang payo nila kay Corona ay kumuha muna ito ng  refresher course ng taxation law mula kay Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares.

“That will be up to schools. Academic freedom and prerogative of schools kung sino ang magtuturo sa estudyante,” ayon kay  Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sabay sabing “If he will teach taxation law, he can ask for a refresher course from Commissioner Henares”.

Kailangan, aniyang, matutunan ni Corona mula kay Henares ang pagkakaiba at kahulugan ng debit sa credit.

Matatandaang sa naging testimonya ni Corona sa Senate impeachment court ay inamin nito na hindi niya alam ang pagkakaiba ng debit at credit.

Bukod dito, hindi rin maintindihan ni Usec. Valte ang nais na palabasin ng kampo ni Corona na mayroong itinakdang “high standard” para sa  transparency ang dating chief justice nang lumagda ito sa  waiver para sa kanyang bank accounts.

“I don’t know what Atty. Roy is particularly referring to when he said the Chief Justice set a new high for transparency when in fact, he did not given his SALN until the impeachment court compelled him to produce his SALN,” aniya pa rin.

Binalikan ni Usec.Valte si Atty. Roy nang sabihin ng una sa huli na pinatawa siya nito sa kanyang naging komento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply