Palasyo tikom sa usapan nina PNoy, Kim-Henares

TUMANGGI ang Malakanyang na ihayag ang pinag-usapan nina Pangulong Benigno Aquino III at Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares kaugnay sa pagiging nominado niya sa pagka-chief justice ng Korte Suprema.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na bahala na si Henares na maghayag sa publiko sa kung ano ang kanilang napag-usapan ng Pangulong Aquino.

Sa ulat, sinabi ni Henares na natalakay nila ang repormang mahalagang maipatupad sa kaniyang tanggapan at pati na sa hudikatura kung sakali.

Aniya, naniniwala siyang hindi magkakaroon ng problema sa tanggapan ng rentas internas kung sakaling maiiwan niya ito dahil sa anumang kadahilanan sapagkat marami pa namang kwalipikado para sa kaniyang kasalukuyang posisyon.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na matamang tinitimbang ng kaniyang administrasyon kung mas makabubuti si Henares sa chief justice post o mananatili na lamang ito sa BIR para sa ipinatutupad nilang reporma.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply