Palayan City Mayor, 3 pa, pinagpapaliwanag ng Ombudsman

PALAYAN CITY –PINAGPAPALIWANAG ng Office of the Ombudsman ang isang mataas na opisyal ng pamahalaang lokal ng Palayan City at tatlong kasama pa nito na sagutin ang kasong graft kaugnay ng ma-anomalyang bentahan ng lupa na isinampa ng biyuda ng isang farmer beneficiary.

Natanggap ni Palayan City Mayor Romeo Capinpin at tatlong iba pa ang subpoena mula sa Office ng Ombudsman for Luzon noong pang unang Linggo ng Hunyo  2012.

Ang utos na sagutin ang reklamo at magpaliwanag sa mga isyu ay pinalabas ni Director Joaquin Salazar ng Evaluation and Investigation Office–Bureau A.

Binigyan ni Salazar ng 10 araw mula sa pagkatanggap ng utos ang opisyal ang mga kasama nito para sagutin ang kasong criminal at administratibo.

Nag-ugat ang kaso matapos magsampa ng reklamo si Gng. Norma Victoria, kaugnay sa isang ektaryang lupa na may 20 taon na nilang sinasaka.

Sa katunayan, aniya, ay may sertipiko silang hawak mula kay Mario Isabelita Sadie, Municipal Agrarian Reform Officer (MARO), hepe ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Palayan City, na magpapatunay na sila ang nagsasaka sa nasabing lujpain.

Ikinagulat ng nagrereklam kung paano naibenta ni Capinpin ang bahahgi ng lupa at napatituluhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply