Pambansang Simbolo

NATUTUHAN natin sa eskwelahan ang mga simbolo ng Pilipinas sa asignaturang Sibika at Kultura at Hekasi.

Kung iisa-isahin natin ito ay talaga namang napakarami nito.

Ang mga pambasang simbolong ito ay sumasalalim sa ating kultura, tradisyon at mga ideya o pananaw. Sinisimbolo rin ng mga ito ang kalayaan at soberanya ng bansa.

Mahabang panahon na ang lumipas o kung kukompyutin ito ay nasa 114 na taon na ang nakararaan nang ideklara ang kalayaan ng bansa pero alam ba ninyo na siyam lang sa ating mga simbolo ang ligal o pinagtibay ng batas?

Narito ang siyam na simbolo ng Pilipinas na pinagtibay ng batas:

1. Watawat ng Pilipinas
– Proclamation of President Emilio Aguinaldo
Reaffirmed by Republic Act No. 8491

2. Pambasang Awit: “Lupang Hinirang”
-Music : Proclamation of President Emilio Aguinaldo
Lyrics : Department of Education Administrative Order (reaffirmed by Republic Act No. 8491)

3. Pambansang Wika: Filipino
-Article XIV, Sec. 6 of the 1987 Philippine Constitution

4. Pambansang Puno: Narra
-Executive Proclamation No. 652

5. Pambansang Bulaklak: Sampaguita
-Executive Proclamation No. 652, issued by Governor General Frank Murphy

6. Pambansag Sports: Arnis
-Republic Act No. 9850

7. Pambansag Ibon: Philippine Eagle
-Republic Act No. 6147

8. Pambansang Motto: “Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa” (“For God, People, Nature, and Country”)
-Republic Act No. 8491, Chapter III, Section 40

9. Coat of Arms of the Philippines
-Republic Act No. 8491

Narito naman ang mga unofficial na mga simbolo ng bansa:

1. Cariñosa (Pambansang Sayaw/dating Tinikling)
2. Kalabaw (Pambansang Hayop na Panlupa)
3. Bangus (Pambansang Hayop na Pantubig/Isda)
4. Anahaw (Pambansang Dahon)
5. Mango (Pambansang Prutas)
6. Barong at Baro’t saya (Pambansang Kasuotan)
7. Juan de la Cruz – sumisimbolo sa mga Filipino
8. Jose Rizal ((Pambansang Bayani)
9. Iba pang bayani: Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Muhammad Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino, at Gabriela Silang
10. Sipa (Pambansang Sports)
11. Lechon, Adobo, at Sinigang (Pambansang Pagkain)

Source: Wikipedia/National Historical Commission

About Thor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>