Pambubusal ng China sa standoff sa Panatag Shoal, pinalagan ng Malakanyang

PINALAGAN ng Malakanyang ang panawagan ng gobyernong Tsina na tigilan na ang paghahayag ng opinyon kaugnay sa standoff sa Panatag (Scarborough) Shoal.

Sinabi ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na walang sinuman ang maaaring makapagpabusal sa kanila sa usaping nabanggit dahil ito ang kanilang paraan upang pahinain ang tensyon sa pinagtatalunang lugar.

“If you noticed, the statement(s) from the officials of the Philippine government have always been consistent with present policy of de-escalation. ‘Yan ang masasabi natin tungkol doon,” ayon kay Usec. Valte.

Kamakailan ay kinalampag ni Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei ang Pilipinas na tigilan na ang pagsasalita ukol sa standoff sa Panatag Shoal dahil iniimpluwensiyahan lamang nito ang publiko na magalit sa kanila.

May isang ulat ang lumabas sa  web portal ng gobyernong Tsino na hindi nila nagustuhan ang sinabi ni Pangulong Aquino na nakatakdang lumipad ang Philippine Air Force planes sa Panatag Shoal upang suriin ang kalagayan doon.

Ang iringan ng Pilipinas at China ay nagsimula noong Abril kung saan namataan ng puwersa ng PIliinas ang ilang mangingisdang intsik na kumukuha ng  marine species mula sa Panatag Shoal.

At bago pa maaresto ng mga awtoridad ng PIlipinas ang mga naturang mangingisdang tsinoy ay hinarang na ang mga ito ng barko ng China sa katuwirang bahagi na ng kanilang teritoryo ang naturang lugar.

Para kay Hong isang uri ng harassment ang pahayag nito patungkol sa mga mangingisdang tsinoy lalo pa’t nagresuta ito ng matinding tensyon sa dalawang bansa.

Pinilipit naman ng dalawang bansa na kumpunuhin ang bilateral relations para hindi na lumala pa ang naturang tensyon dahil sa Panatag Shoal.

Sa kabilang dako, ipinaubaya na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsagot sa pinakahuling hakbang ng China kung saan nagtatag ito ng bagong lungsod para pangasiwaan ang mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea.

Ang Sansha City ay nakikitang pagpapalakas ng China sa pag-angkin nito sa Spratlys at iba pang mga isla.

Ayon kay Usec. Valte, hayaan munang DFA ang tutugon sa ganitong mga sensitibong usapin.

Ang Pilipina, aniya, din naman ay may munisipalidad sa Spratlys, ang Kalayaan town sa ilalim ng Palawan.
Kaugnay nito, naninindigan naman si Kalayaan mayor Eugenio Bito-onon at kanyang mga constituents na hindi sila bibigay sa pagdepensa ng soberenya ng Pilipinas.

Sinabi ni Bito-onon na hindi sila apektado sa nasabing hakbang ng China at napakalayo umano ng Sansha City sa kanilang bayan na nasa Yongxing Island sa Paracels.

“We will leave it to the DFA to respond to this. I did see that they have appointed a certain, I think, a local official to manage that particular area. We will leave it up to the DFA to respond to this. As you know, we have a municipality in that particular area under Palawan—Kalayaan,”  pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply