Pamilya Barrameda, tagasuporta nagprotesta sa SC

NAGSAMA-SAMA ngayong umaga ang pamilya,kaibigan at taga suporta ni Ruby Rose Barrameda sa harap ng Korte Suprema kasabay ng  isang prayer rally ng  Court of Appeals  na pinangunahan ni Father Robert Reyes.

Sinabi ng kapatid ni Ruby Rose na si Rochelle Barrameda, limang taon na nilang hinihintay ang hustisya simula nang mawala ang kanilang mahal sa buhay noong 2007 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang hustisya para sa kanilang kapatid.

Kaugnay nito, ginugunita ng pamilya Barrameda ang ika-tatlong taong pagkakatagpo sa bangkay ni Ruby Rose na nakasilid sa drum at nakasemento pa noong taong 2009 sa bahagi ng karagatan sa Navotas.

Katarungan pa rin ang patuloy na isinisigaw ngayon ng pamilya Barrameda para sa kaluluwa ni Ruby Rose na hindi pa rin nila nakakamit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply