Pangako ni PNoy sa magsasaka, babantayan ng Simbahan

UMAASA ang mga lider ng Simbahang Katolika na tutuparin ng Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang pangako sa mga magsasaka.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, kanilang babatanyan kasama ng mga magsasaka na tutuparin ni Pangulong Aquino ang pangako na full implementation ng CARP law at CARPER sa taong 2014.

Anang Arsobispo, kailangan bantayan kung magkaroon ng resulta ang binitawang pangako ng Pangulo sa magsasaka   na ganap na ipatupad ang CARP law o pamamahagi ng lupa bago matapos ang kanyang termino sa taong 2014.

“Dapat matingnan talaga kung magkakaroon ng resulta doon pero meron naman na instraktura ngayon na sinasabi nilang gagawa sila ng multi-sectoral monitoring body para titingnan din kung matutupad yung ipinangako nila,” pahayag ni Archbishop Ledesma.

Sa panayam ng Radio Veritas, nagpapasalamat si Ledesma na nakaharap ng Pangulo ang mga magsasaka mula sa Negros Island at Mindanao upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na maipaliwag  sa President ang kanilang sitwasyon  at  matulungan silang makamit ang kanilang hinihiling na magkaroon ng karapatan sa lupang kanilang sinasaka.

Ayon kay Archbishop Ledesma, matagal na panahon na rin anyang naghihintay ang mga magsasaka sa repormang pang-agraryo na nakapaloob naman sa kanilang mga karapatan.

Umaasa naman sina Marbel Bishop Dinualdo Gutierez,Caritas Manila executive director Fr.Anton Pascual,CBCP-NASSA executive secretary Fr.Edu Gariguez at Fr.Marlon Lacal,executive secretary ng Association of Major Religious Superior of the Philippines for Men na tutuparin ni Pangulong Aquino ang kanyang pangako na ipapamahagi ang lahat ng mga lupaing sinasaka ng mga farmers sa ilalim ng CARP law bago matapos ang taong 2014.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply