Pangarap ng Hukbong Dagat pangarap para sa bayan

KASABAY ng katatapos lamang na pagdiriwang ng ika-114 na anibersaryo ng Hukbong Dagat ay ang pangako ng kanyang mga tauhan na pag-ibayuhin ang pag-unawa at pagtanggap ng buong sambayanan at hikayatin ang mga ito na suportahan at tulungan ang Navy sa pagsulong ng kanyang pangarap na maging higit na malakas at kredable sa taong 2020.

Sabay sa pagsariwa ng panata na isulong ang pangarap ng Navy para sa bayan, ay ang pagsariwa ng panata ng tauhan ng Hukbong Dagat na pangalagaan at bantayan ang ating karagatan – ang bukal ng buhay at kultura ng bansang Pilipinas.

Makaaasa tayong lahat na sa tulong at suporta ng taumbayan ay kakayanin ng Navy na matupad ang kanyang pangarap para sa bayan.

At makaaasa rin tayong lahat ng patuloy na pangangalaga at pagbabantay sa ating karagatan – syempre kasama ang sambayanan.

Nga pala, nais kong ipahatid ang aking pagbati sa 37 na bagong promote na Navy Captains at Marine Colonels ng Hukbong Dagat.

Malaki ang papel na gagampanan ng mga ito para sa pangarap ng Navy.

Ang mga kasama kong bagong promote ay pinangungunahan ng “Supremo” ng Barangay 54 na si Sir Capt. Zoji Jimenez at binubuo ng sumusunod na mga opisyal ng Fleet at Marines: Capt. Celestino Abalayan, Col. Edwin Amadar, Capt. Erni Baldovino, Col. Vince Blanco III, Col. Toti Blasco, Col. Rafael Briones, Col. Ruben Candelario, Col. Epoy Cuison, Capt. Renato David, Col. Jun Eclipse Jr. (MC), Col. Benjam Espinosa, Capt. Ruben Fajardo Jr., Capt. Danilo Fuentes Jr., Capt. Charles Gaerlan, Capt. Flor Gagua, Col. D-Jo Jalandoni, Capt. Nelson Lasquite, Col. Jonas Lumawag, Col. Minandang Macatoon, Col. Tony Man-lapas, Capt. Emmanuel Manuel, Col. Nestor Marcelino, Capt. Edmund Mendoza, Capt. Donn Miraflor, Capt. Jerric Nava Jr., Capt. Tony Palces, Capt. Nelson Panes, Capt. Dennis Quines, Capt. Eric Ramos, Col. Romy Racadio, Col. Chito Rojas, Capt. Rommel Reyes, Capt. Caloy Sabarre, Capt. Joey Torres Jr., Capt. Bernard Valencia at Capt. Wilfred Visperas.

Mabuhay kayong lahat!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply