Pangarap ni King James natupad

DUMATING ang pinakamasayang party sa buhay ni basketball superstar LeBron James, ang makakuha ng championship title.

Kinumpleto ni reigning NBA MVP James ang kulang sa kanyang mga awards na natanggap nang dalhin nito sa kampeonato ang Miami Heat matapos ang 121-106 panalo laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 5 ng 2011-12 NBA Finals kaninang umaga.

Nagtala ng triple-double si three-time MVP James, (26 pts., 13 assists at 11 rebounds) para makamit din ni Heat Fil-Am coach Erik Spoelstra ang unang kampeonato.

‘It means everything,” masayang saad ni James. ”I made a difficult decision to leave Cleveland but I understood what my future was about … I knew we had a bright future (in Miami). This is a dream come true for me. This is definitely when it pays off.”

Sa unang canto pa lang ay umarangkada na agad ang Heat at nagtuloy pa ito hanggang second quarter para tapusin ang half time sa score na 59-49.

Naging susi rin sa tagumpay ng Heat ang mga three-pointer na binitawan ni bench player Mike Miller kaya umabot sa 27 puntos ang kanilang lamang.

Tumarak ng 7 of 8 sa three-pointer si Miller upang umiskor ito ng 23 at limang rebounds.

Siniguro naman nila Dwyane Wade at Chris Bosh na hindi na makakabalik ang Thunder matapos tulungan ang kasama nila sa Big 3s na si James.

Tumapos si Bosh ng 23 pts. at pitong boards habang 20 puntos, walong rebounds at tatlong assists ang kinamada ni Wade.

Itinanghal naman ng Finals MVP si James.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply