Panghaharas ng militar sa isang madre, iimbestigahan ng CBCP

TINIYAK ng CBCP-Episcopal Commission on Military Ordinariate of the Philippines na kanilang paiimbestigahan ang umanoy nangyaring panghaharas ng military sa isang madre sa Minadanao.

Ayon kay Father Harly Flores, taga-pagsalita ng Military Diocese, nagreklamo ang isang anti-mining advocate na madre sa Davao na biktima ng harassment ng militar matapos ituring na miyembro ng New Peoples Army o NPA.

Sinabi ni Fr. Flores na hindi kukunsintihin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang  anumang paglabag sa karapatang pantao ng mga sundalo laban kay Sister Estela Matutina, isang Benedictine nun.

Kumpiyansa rin ang pari na agad na aaksyunan ng military ang reklamo na harassment ng mga sundalo kay Sister Estela Matutina na inaakusahang miyembro ng mga rebeldeng NPA.

Sinabi naman ni Sister Matutina sa pahayag ng Radio veritas na naghain na ang Sisters Association in Mindanao ng reklamo sa Commission on Human Rights laban sa mga sundalong nag-aakusa sa kanya na rebeldeng NPA.

Gayunman, dismayado si Sister Matutina sa mabagal at kawalan ng aksiyon ng CHR sa kanyang reklamo.

Nagpahayag  din ng pagkatakot ang madre  dahil marami umanong mga mga militart detachment sa kanyang area of responsibility sa may 26 na Barangay sa Mati City sa Davao City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply