Panghapong klase sa eskwela sa QC sinuspinde dahil sa baha

SINUSPINDE na ang pang-umaga at panghapong klase sa iba’t ibang mga paaralan sa Quezon City dahil sa pagbaha na dulot ng ulan mula pa kahapon bunsod ng Hanging Habagat na pinag-iibayo ng bagyong Butchoy.

Ilan sa mga binahang lugar ay kinabibilangan ng Dario River na nagsimula sa Muñoz hanggang Talayan Village malapit sa Araneta Avenue kung saan umapaw ang isang bahagi nito na nakaabala sa mga nagdaraang motorista sa nasabing kalsada .

Dahil dito, agad na ipinasuspinde ni Dra. Corazon Rubio, Division Superintendent of Quezon City Schools ang klase sa ilang paaralan sa lungsod matapos niyang atasan ang mga lokal na opisyal na suspendihin ang mga klase sa Sergio Osmeña at Masambong High School sa umaga pa lamang kasama ang Masambong Elementary School dahil nakatirik ito malapit sa ilog na tumatagos sa Araneta Avenue river.

Simula alas-10:00 ngayong umaga dahil sa malakas na pag-ulan sinuspinde na ang mga klase sa mga sumusunod na paaralan sa lungod:

– Rosa Susano Elementary School (Barangay Gulod, Novaliches)
– Bagbag Elementary School (Richland V Subdivision, Barangay Bagbag)
– Dona Rosario Elementary School (Panday Pira St., Barangay Novaliches Proper)
– Benigno Aquino Elementary School (Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth)
– Commonwealth Elementary School (Commonwealth Avenue)
– San Antonio Elementary School (San Antonio Extension, SFDM)
– L. R. Pascual Elementary School (Pascual Road, Barangay Baesa)
– Sergio Osmeña High School (Del Monte, na nasa panulukan ng Araneta Avenue)
– Masambong Elementary School (Wayan Street, Barangay Masambong)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply