Pangilinan inuwi ang titulo sa Rapid

TINANGHAL na kampeon si Pinoy whiz kid Stephen Rome Pangilinan sa katatapos na Under-10 division ng 13 ASEAN+ Age-Group Rapid Chess Championships sa Vietnam.

Bagama’t kasalo ni nine year old Pangilinan si top seeded Nguyen Anh Khoi, (elo 1913) ng Vietnam sa tuktok ay iginawad sa una ang titulo matapos ipatupad ang tie-break.

Si Pangilinan na pambato ng Paco Catholic school ay pinagulong sa seventh at final round si FM Pham Phu Vinh ng host country upang ilista ang 6.5 matapos ang six wins at one draw.

“Mabuti mataas po ang points ko sa tie-break kaya ako ang nag champion,” masayang sabi ni Pangilinan na ngayon ay nasa grade 4.

Nakalaban ni Pangilinan si Nguyen sa penultimate round kung saan ay tabla ang kinalabasan ng kanilang laro.

Samantala, second placer si Pangilinan sa standard event at habang ginagawa ang istoryang ito ay kasalukuyan siyang sumusulong sa Blitz event.

Matapos ang kampanya ni Pangilinan sa Vietnam ay nakatakda naman siyang tumulak ng piyesa sa darating na Hunyo 23 sa gaganaping 2012 ASIAN Youth Chess Championship sa Sri Lanka.

Ang ibang Pinoy chessers na kasali sa nasabing event ay sina Ronald Canino na nasa 14th place na may 4.5 pts. at Emanuel Van Paler na lumanding sa 19th place sa score na 4.0.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply