Pangulong Aquino nasa Washington D.C. na

NASA Washington D.C. na si Pangulong Benigno “PNo” Aquino III galing sa London.

Lumapag sa Andrews Air Force dakong 8:17 ng gabi (oras sa Washington D.C.) ang PR001 lulan ang delegasyon ni Pangulong Aquino at tumuloy sa Mandarin Oriental Hotel para magpahinga.

Inaasahang magiging abala ang Pangulo sa unang araw ng kanyang official working visit sa Estados Unidos at agad na dadalo sa mga pagpupulong.

Kabilang sa mga dadaluhan ni Pangulong Aquino ay ang meeting sa Sithe Global, Denham Capital at GN Power ganap na alas-10:00 ng umaga. Susundan ito ng meeting sa mga executives ng Underwriter Laboratories, Research and Development sa Mandarin Oriental Hotel, kung saan naka-check-in ang Pangulo.

Ang panayam ni Pangulong Aquino sa Wall Street Journal ay sa dakong alas-11:00 ng umaga habang ala-1:45 ng hapon (madaling araw ng Biyernes sa Pinas) ang kanyang pagbisita sa Quantico Marine Corps Base.

Makikipagpulong si Pangulong Aquino sa US Senate Leaders dakong alas-4:30 ng hapon at susundan ng launching ng U.S.-Philippine Society na binubuo ng iba’t ibang business leaders sa Pilipinas at Estados Unidos.

Makapagpapahinga naman si Pangulong Aquino bago ang pulong kay US President Barack Obama kinabukasan, Biyernes ng alas-2:00 ng hapon (Sabado ng alas-2:00 ng madaling araw sa Pinas).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply