Pangulong Noynoy, Jessica nagkita na

NAGKADAUPANG palad na sina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at “American Idol” first runner-up Jessica Sanchez sa Amerika.

Nagkita ang dalawa sa Filipino community sa Los Angeles kung saan kasama si Jessica roon na kinumusta ng Pangulo bago ito bumalik sa bansa.

Si Jessica ay sinuportahan at ikinampanya ni Pangulong Aquino sa kasagsagan ng  pakikipagtunggali nito kay kay Phillip Phillips  na siyang itinanghal na “American Idol”.

Samantala, sa kanya namang Twitter account, una nang binigyang-diin ng singer na proud siyang maging Filipino-Mexican-American.

“Like I said before.. I’m proud of what I am. Half Mexican, Half Filipino, Born in the states.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply