Panukalang $50 dagdag-bayad ng OFWs, binawi na

PORMAL ng binawi ni Manila Rep. Trisha Bonoan-David ang kaniyang inihaing House Bill 6195 na nagsusulong ng karagdagang kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Siniguro rin ni David na hindi na maisasalang at matatalakay sa plenaryo ang kaniyang panukala.

Batay sa HB 6195, iminungkahi ng mambabatas na dagdagan ang alokasyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)para sa college scholarship ng mga kasalukuyang OFW at maging ng mga dating OFW.

Giit ni David sa kaniyang paliwanag, kailanman ay hindi niya ninais na makasakit o makapaminsala sa mamamayan lalo na sa mga OFW.

Ang panukalang ito ng kongresista ay umani ng batikos mula sa mga OFW lalo na ang mga nasa Hongkong dahil ang dagdag na alokasyon ng OWWA ay ipababalikat din ito sa mga OFW.

“Sanhi ng samu’t saring pagpapahayag ng di pag sang-ayon ng publiko sa nasabing mungkahing kautusan kung kaya’t bilang paggalang sa kagustuhan ng publiko, ay nagpasiya akong kitlin na lamang ang HB 6195,” ani David.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply