Panukalang Batas ni Palatino, binatikos ng Simbahang Katolika

PAGSIKIL sa karapatan sa relihiyon ang panukalang batas na inihain ni kabataan partylist rep. Raymund palatino.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Family and Life, executive Secretary Rev. Fr. Melvin Castro, nakakatakot itong panukalang batas dahil malinaw na pagyurak ito sa karapatan at pananampalataya ng isang tao, Katoliko man o Muslim o saan sekta man siya kabilang.

Giit ng pari, sa halip na pakialaman ang pananampalataya ng mga tao, higit na dapat pakatutukan ni Palatino ang mga isyung kinakaharap ng mga kabataan gaya ng drug addiction, prostitusyon, mga batang nasasangkot sa krimen at pagtutok sa mga adbokasiya upang mapanatili ang moralidad ng mga kabataan.

“Nakakalungkot ito na nakakatawa na nakakagulat. Malinaw na pagsikil ito sa karapatan ng tao na maghayag ng relihiyon. Nakakatakot kasi pati mga ecumenical prayer ay ipinagbabawal niya. Huwag natin gayahin ang Amerika dahil iba sila at iba tayo. Di naman sa pilitan ang pagdasal at pagsamba ah. Kung iniisip niya na namomonopoly ng simbahan ang ibang rlihiyon ay nagkakamali siya. Lahat ay may pantay na karapatan sa pagdarasal at pagsimba saan man siya naroon. Mga kabataan ang nirerepresent niya, sana ay tutukan niya ang mga adbokasiya na makakatulong sa pag-unlad sa moralidad, talino at kakayahan ng mga kabataan,” bahagi ng pahayag ni Fr. Castro sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay niyo, sinabi ni dating CBCP president, Jaro Iloilo Archbishop Angel Lagdameo na magsilbing hamon sa lahat ng mga mananampalatayang Katoliko ang panukalang batas ng Kongresista upang mas lalo pa nating paigtingin ang ating pananampalataya at pag-ibig sa Panginoon.

Ayon kay Archbishop Lagdameo, hamon ito sa atin upang isabuhay ang mga turo at aral ng Simbahang Katolika sa kabila ng mga balakid sa ating pananampalataya.

“Highly debated yan dahil karamihan sa mga Kongresista ay mga Katoliko kung kayat sa tingin ko ay mahihirapan siyang ipasa ito sa Kamara. Gayunman, dapat magsilbing hamon ito sa lahat para isabuhay natin ang mga turo at aral ng Panginoon,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Lagdameo sa panayam ng RadyoVeritas.

Sa panukala, inaalisan ng karapatan ang mga nasa gobyerno na maglagay ng mga imahe sa kanilang opisina.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply