Papa Monchang kolektor ng CIDG sa iligal

NANANATILING walang silbi ang one-strike policy ni PNP Director Gen. Chief Supt. Nicanor Bartolome dahil sa pamamayagpag ng mga iligal na pasugalan kung saan isang police colonel na tinaguriang “Papa Monchang” ang nagsisilbing kolektor ng kapulisan.

Nabatid na sa halip na makisanib-puwersa ang Criminal Investigation and Detection Group sa kampanya ng Philippine National Police sa pagsugpo sa nagkalat na mga iligal na pasugalan, ang mga ito pa ang nagsisilbing protektor ng mga nasabing pasugalan partikular na ang sugal na jueteng.

“Papaano mahuhuli ng CIDG ang mga operator ng iba’t ibang mga pasugalan sa iba’t ibang parte ng bansa kung ito mismo ang nangungunang nagpoproteksyon sa pamamagitan ng panghihingi ng mga ito ng lingguhang intelihensiya sa mga iligal na pasugalan sa bansa.

Napag-alaman na isang police colonel na binansagang “Papa Monchang” na malapit kay CIDG Chief Gen. Samuel Pagdilao ang siyang nagpapakolekta ng lingguhang intelihensiya sa mga iligal na pasugalan.

Linggo-linggo umanong may tinatanggap na parating na ‘kuwarta’ ang CIDG sa tulong ng police colonel na si “Papa Monchang.”

Ayon pa sa source, itsurang ligal na ligal pa rin ang operasyon ng lahat ng uri ng pasugalan sa bansa dahil hindi man lang kumilos ang pulisya para mapatigil ang mga ito.

Kabilang sa mga iligal na pasugalan na patuloy ang operasyon ang jueteng, bookies ng karera, video karera, sakla, monte, bookies ng small town lottery (STL), loteng, ending, pergalan at marami pang iba na hinihinalang patuloy na kinokolektahan ng lingguhang intelihensiya ni Col. Papa Monchang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply