Papalit kay Iggy Arroyo nanumpa na

NANUMPA na ngayong hapon ang bagong kongresista sa Negros Occidental kapalit ng yumaong si Ignacio “Iggy” Arroyo.

Si Alejandro Mirasol, miyembro ng Liberal Party at alkalde ng Binalbagan ang nagwagi sa katatapos na special election sa ika-limang distrito ng nabanggit na lalawigan.

Ang panunumpa ay pinangasiwaan mismo ni House Speaker Feliciano Belmonte.

Nakakuha ng botong 81,982 si Mirasol kontra sa nakalaban nitong si provincial board member Emilio Yulo III, na nakakuha lamang ng botong mahigit 16,000.

Magsisilbing kongresista si Mirasol hanggang May 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply