Pacquiao-Bradley fight mapanonood ng libre sa P’que

MAPANONOOD ng libre ang laban ni Saranggani Representative Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa lungsod ng Paranaque sa Linggo, Hunyo 10.

Ayon kay Parañaque Public Information Officer Lloyn Falconan, batay sa ipinalabas na abiso ng pamahalaang lokal, apat na lugar ang kanilang itinalaga para sa mga residente para mapanood ng libre ang nakasasabik na laban ni Pacman.

Kabilang dito ang mga lugar sa  Baclaran Elementary School Central Gym, Don Bosco Gym, Don Galo Gym at ang Area 1 Fourth Estate Gymnasiums sa  Brgy. San Antonio.

Ang libreng panood ay bahagi ng pagpapakita ng suporta ng lungsod kay Pacquiao hindi lamang sa napakaraming karangalan na inihatid nito sa bansa kundi dahil na rin si Paquiao ay itinuturing na “anak ng Paranaque” base na rin sa resolusyon na ipinalabas ng konseho.

Nakatakdang magsagupa si Pacquiao at undefeated na si Bradley para sa WBO Welterweight title sa Las Vegas Nevada sa Estados Unidos ngayong Hunyo 9 (Hunyo 10 sa Pilipinas).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply