Para sa Araw ng mga Ama

MAY isang prinsesa mula sa malayong kaharian. Ang prinsesa ay maganda, matalino at mabait. Masaya s’yang namumuhay sa kaharian kasama ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Nguni’t sa kabila nito, nakadama s’ya ng matinding pangungulila. Nabatid n’ya na kailangan n’ya ng isang magmamahal sa kanya. Kailangan n’ya ng isang taong makakaramay sa oras ng kalungkutan. Kailangan n’ya ng isang taong matatakbuhan sa oras ng kagipitan. Kailangan n’ya ng isang taong makatatanggap sa kanya bilang kung anoman s’ya, isang taong tunay na magmamahal sa kanya dahil sa pagkatao n’ya at hindi dahil sa isa s’yang prinsesa.

Nabatid ng prinsesa na kailangan n’ya ng isang prinsipe.

At nagsimula na ang paghahanap ng prinsesa.

S’yempre, ‘di puwedeng kung sino-sino lang ang maging prinsipe n’ya. Mayroon s’yang maraming pamantayan.

Una ay ang character requirement. Dapat ang magiging prinsipe ay maka-Diyos. S’ya’y dapat mapagkakatiwalaan, mabait, may malasakit sa kapwa, at may prinsipyo’t paninindigan.

Ikalawa ay ang socio-civic requirement. Kahit hindi mayaman, basta masipag at may pangarap. ‘Yung tipong mabubuhay s’ya at ang kanilang magiging anak.

At ang pinakaimportante sa lahat ay ang looks requirement. Kahit hindi na masyadong guwapo, basta ‘yung tipong ‘di n’ya ikahihiyang ipakilala sa mga magulang n’ya at sa ibang tao.

Nagdaan ang mga araw. Ang mga araw ay naging buwan. Ang mga buwan ay naging taon. Wala pa ring pumapasa sa criteria ng prinsesa. Nakaramdam s’ya ng matinding lungkot. Wala na bang lalaking maaaring maging prinsipe n’ya? In short, wala na bang matinong lalaki sa mundo?

Nagkulong ang prinsesa sa kanyang kuwarto at nanalangin s’ya sa Diyos. Hiniling n’ya sa Panginoon na ipakita sa kanya ang lalaking kanyang pinakahahanap.

‘Di pa natatapos ang kanyang panalangin nang makarinig s’ya ng isang katok.

Nang binuksan ng prinsesa ang pinto, napangiti s’ya sa kanyang nakita. Sa likod ng pinto ay nakatayo ang sagot sa kanyang panalangin. Napagtanto ng prinsesa na sa sobrang paghahanap n’ya sa malayo, ‘di na n’ya napansin na ang lalaking pinakahahanap n’ya ay nasa tabi lamang pala n’ya.

Ang lalaking nasa harap n’ya ay ang s’ya n’yang tinatakbuhan sa oras ng pangangailangan. Ang lalaking nasa harapan n’ya ay ang kanyang sandigan sa oras ng kalungkutan. Ang lalaking nasa harap n’ya ay nagmamahal sa kanya ‘di dahil isa s’yang prinsesa, kundi dahil sa pagkatao n’ya. Ang taong nasa harap n’ya ay ang kanyang ama.

Hindi binigyan ng Dios ang prinsesa ng isang prinsipe. Binigyan s’ya ng Dios ng isang hari.

Noong isang taon, tumayo ako sa harap ninyo, hindi upang parangalan ang mga ama, kundi upang ipaalala sa mga anak kung gaano sila kapalad na meron silang isang lalaki sa kanilang buhay na pumapasa sa lahat ng kanilang requirements na ibinigay ng prinsesa.

Ang ating mga ama.

Sa character requirement, with flying colors. ‘Di ba sila pa nga ang naghatid sa atin sa Panginoon?

Sa socio-civic requirement, A. Ni minsan ay ‘di nila tayo hinayaang magutom o mawalan sa ating pangangailangan.

At sa looks requirement, winner.

Ang kwento ng prinsesa ay nagpapaalala sa ating lahat, lalaki man o babae, na minsan sa ating paghahanap ng karangalan at katanyagan, nalilimutan natin ang isang importanteng lalaki sa ating buhay…ang ating mga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply