Parak kinasuhan ng homicide sa pagpatay sa nobya

MAY nakitang probable cause kaya sinampahan ng mga awtoridad ang isang kagawad ng Philippine National Police ng kasong homicide kaugnay sa umanoy pagpatay sa kanyang nobya sa Cagayan de Oro City, sa ulat ng pulisya.

Ayon sa ulat, inuugnay ang pulis sa pagkamatay ni Ma. Eleanor Bunso na sinasabing nagpakamatay Lapaz 1, Lapasan sa nasabing syudad.

Sa impormasyong ibinahagi ni SP04 Eddie Akut, ng Agora Police Station, may hawak ng kaso, nahaharap sa
kasong homicide si P01 Joseph Kiamco .

Ito ay matapos na ideklarang ang service firearms ni Kiamco na isang kalibre .45 pistola ang ginagamit ng kanyang nobyang si Ma. Eleanor Bunso sa pagpakamatay sa loob ng kanilang bahay.

Lumalabas na nag-aaway ang dalawa matapos matagal na hindi umuwi sa bahay ng kanyang girlfriend  si Kiamco .

Subalit sinasabing sa isinasagawang parrafin test, kapwa nagnegatibo ang dalawa dahilan upang maguluhan ang pulisya sa kanilang imbestigasyon kayat inutos na ipasuri ang baril at ngayon ay hinintay na lamang  ang resulta sa ballistic test.

Kasalukuyang nasa kostudiya na ngayon sa Agora Police Station si Kiamco.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply