Parak niratrat paglabas ng korte, todas

NIRATRAT ng dalawang hindi nakikilalang armadong lalaki ang isang pulis matapos lumabas sa Danao City Regional Trial Court sa Cebu kaninang umaga.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si SP02 Roberto Canencia, dating nakatalaga sa Cebu Provincial Office (CPPO) pero nasa floating status ngayon dahil sa kasong droga.

Wala pang ideya ang awtoridad kung sino ang sangkot sa pananambang pero malaki ang paniwala na ang pagpatay sa biktima ay may kaugnayan sa kanyang kinakaharap na kaso.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 10 ng umaga sa tapat ng Danao Regional Trial Court sa Barangay Poblacion.

Bago ito, dumalo sa pagdinig ang biktima pero na-postponed kaya lumabas ito ng korte para umuwi.

Habang naglalakad, sinabayan ito ng mga suspek at pinagbabaril ng apat na beses.

Tumakas ang mga salarin sakay ng isang kotse na nakaparada ilang metro lamang ang layo sa naturang korte.

Si Canencia ay nasangkot sa kaso matapos maaktuhan itong nasa bahay ng isang kilalang “drug lord” sa lunsod noong nakaraang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply