Parak protektor ng pusher

BIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na  text messages at nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at  proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE ay iyon po ang nakasaad sa kanilang mga padalang text message at e-mail sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD afternoon po, Madam. Pakisilip naman po ang PAGIBIG office rito sa Masbate.

Lagi po kasing naka-offline ang kanilang computer, tuloy ‘di namin  malaman kung  naghuhulog ang agency, 2 years mahigit na po ito madam.

LILY’S FILES, good pm po. Mga pulis dito sa Pa-yatas lalo na sa Molave ay basta na lang mang-dadampot saka kukuwartahan. Makapal din ang mga mukha lalo na ‘yung Joypaul na pulis. Con-cerned citizen lang po.

MAM, diyan po sa Shaw sa Mandaluyong, garapalan kung manghingi sa mga truck driver ‘yung nakamotor na enforcers ‘pag sa gabi. ‘Yung nakadestino sa may Acacia.

GOOD day po, mam. Ang drugs po rito sa Payatas ay protektado po ng pulis na si De Guz-man.

Kahit floating ang pulis na ito ay napakabagsik, don’t publish my number, please.

DITO sa Payatas, patuloy ang panghuhulidap ni De Guzman  ka-hit  floating. Protector ng mga drug pusher ang pulis na ito rito sa amin sa Group 2. May patong po siya sa druglord na si Randy. Don’t pub-lish my number pls.

GOOD pm po. Ask ko lang po kung may bayad ngayon ang mag-pa-enroll?

Dito po kasi sa amin ay may bayad, dito po ‘to sa Gumaka, Que-zon.

HI Madam Lily. I’m an ex cop. Regret to say na naging kultura sa CIDG, especially sa Metro Manila, na ‘di kikilos ang mga ito  ‘pag wa-lang katapat na pera gaya ng  PNP-HPG.

Ninais ng mga ito na maging separate units upang hindi masilip o mapuna ng mga good cop para solo nila ang kita.

MAM, paki kalampag mo ‘yung mayor dito sa  San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang titino ng kalsada, ginigiba kaya sobrang  traffic tuloy.   Thanks and more power. Concerned citizen,

Mam Lily Reyes, sumbong ko lang po sa inyo ‘yung mga traffic enforcer ng Manila City Hall.

Mga kotong lalo na yung naka-assign diyan sa malapit sa simba-han ng Santa Cruz.

Dalawa po sila, motor po ang dala ko galing po ako sa likod ng SM, punta kami ng simbahan, paglabas ko  angkas ko asawa ko, punt asana kami Divisoria mamili ng mga gamit sa school ng anak ko ng bigla nila kaming hinuli, sabi one way daw yung pinasok namin eh wala naming nakalagay  na nagsasabing one way an gaming dinaanang kalsada.

Sabi sa akin ng isang enforcer P2000 daw ang bayad sa one way  pero P500 na lang daw  ilagay niya sa violation ko  sabay sabing  puwede naman daw aregluhin  kahit P200 lang para ayos na kasi P190 lang naman daw  porsyento nila sa P500,  at para di ako maabala  ay binigyan ko na lang ng P200 .

Ang masasabi ko lang sa mga enforcer ng Maynila, halos karamihan  sa kanila ay mga kotong , sana ay makarating it okay Mayor Lim.

Para sa inyong reklamo ,  suggestions at kumento , magtext lang po sa 0915-5683000 at 0908-7230036  o kaya ay mag email sa lpr_2012@yahoo.com .

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply