Parak todas sa riding-in-tandem sa Maynila

(UPDATE) TATLONG bala ang tumapos sa buhay ng isang pulis Maynila matapos itong barilin ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo habang naghahatid ng kanyang anak sa ekuwela sa Tondo, Maynila kanina lamang.

Nakilala ang biktima na umano’y sangkot sa robbery extortion ng Koreano at Hapon na si PO3 Reynaldo Olivo na dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Station 5.

Sa insiyal na ulat, nangyari ang insidente sa kanto ng Masinop at Cristobal Street sa Tondo, Maynila.

Si Olivo ay isa sa tatlong pulis na inireklamo ng robbery extortion sa Koreano at Hapon sa Ermita bago sumapit ang Semana Santa.

Ayon sa ilang residente, tatlong putok ng bala ang narinig nila bago bumulagta ang biktima sa lugar kung saan may tama ito ng bala sa ulo at sa katawan.

Narekober naman ang isang luma at kulay itim na Yamaha motorcycle walang plaka na siyang ginamit ng mga suspek sa panulukan ng Road 10 at Chessa St., sa Tondo dakong 12:00 ng tanghali.

Inaalam naman pulisya ang motibo sa pagpaslang sa biktima at kung sino ang nasa likod ng pananambang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply