Parang pinarusahan sa taping!

SOBRANG nahihirapan daw si Lorna Tolentino sa kanyang role sa Valiente. Siya ang bagong nadagdag sa cast ng nabanggit na primetime series ng TV5. Ginagampanan niya ang role ng nawala at nagbabalik na kapatid ni Tirso Cruz III at ina ni Nadine Samonte.

Naloka nga si Lorna kasi nang ipadala raw sa kanya ang script, biglang in just a couple of days ay taping na raw kaagad. Mahihirap daw ang kanyang mga eksena na karamihan ay may monologue siya.

“Nakurta ang utak ko!” natatawang kuwento pa ni Lorna nang pasyalan namin sa kanilang taping sa isang rancho sa Lipa City kamakailan. “Nanginginig ako habang nagti-taping kami. Kasi, sunud-sunod ‘yong mga monologue ko. First time ko na parang pinarusahan ako. Hahaha! Kasi ‘yong role ko na pang-two months, kinumpres at ginawang pang-two weeks.”

Ngiti ang unang naging reaksiyon naman ng aktres nang kumustahin ang status ng kanyang lovelife.

“Wala,” napapakibit-balikat niyang sabi. “May mga apo na ako. Happy na ako na sa mga anak ko ako naka-focus.  At saka sa farm namin.”

May mga nanligaw raw sa kanya dati pero talagang sa pakiramdam daw niya, ayaw na niyang muling magmahal pa o mag-asawa ulit. “Wala na akong interes. Parang nasa isip ko… alagaan ko na lang ang sarili ko. Ituon ko na lang ang pansin ko sa aking mga anak at apo.”

Parehong stable na raw naman ang katayuan ng dalawa niyang anak at isa umano ito sa dahilan kung bakit kampante siya at masaya sa ngayon. Wala raw siyang nakikitang anumang kulang sa buhay niya. “Si Rafael (ang kanyang panganay), magdidirek na ng isang morning show sa ABS-CBN. Si Renz (her second son) is working with Senator Lito Lapid.

“Meron ngang soap na ginagawa sina Renz at Senator Lito ngayon. ‘Yong Little Champ kasama nila ang ilang childstars ng ABS. Pero since naging busy ang mga senador sa katatapos na impeachment trial (kay Chief Justice Renato Corona), sa isang buwan ay twice ot three times lang silang makapag-taping.

Happy rin daw si LT sa kanilang 4.6 hectares na farm sa gen Aguinaldo sa Cavite. Korporasyon raw nila ito ng kaibigan niyang si Teri at ng asawa nito na siyang katulong niya sa pag-aasikaso rito. “Si Teri ang in charge sa farming. ‘Yong asawa niya naman niya sa poultry. Wala kaming problema sa takbo ng poultry. May 35 thousand chicken kami.”

“’Yong sa farming ang medyo kailangan talagang araling mabuti. So far, we have around 30 thousand na naitanim na pineapple. Nakakatuwa kasi three times a year iyon kung mamunga. May dragon fruit na rin kami. Meron na kaming 140 na poste for that. Kasi ipinuposte iyon, e. Tapos meron din kaming mga tanim na talong, kamatis, bell pepper, may Indian mango rin.

“Maganda rin na may iba akong pinagkakaabalahan gaya nga nitong farm namin. At least may chance ako na makapag-isip-isip. Para hindi ako nagmamadali na magkatrabaho kaagad. Kumbaga, may fall back ako.”

Happy naman daw si LT sa pagiging Kapatid star. Bukod sa Valiente, may isa pa siyang bagong weekly TV program. Ito ay ang Third Eye, na horror ang tema. “Columnist ang role ko. Tungkol sa mga kababalaghan ang aking isinusulat. So… involve ako sa bawat episode ng show. Nakapagtaping na kami ng pilot episode. Every Saturday ng gabi ang airing nito. Pero wala pang final kung kailan magsisimulang mapanood.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply