Paratang na ‘pera, pera’ sa UNA, pinalagan ni Erap

TAHASANG itinanggi kahapon ni dating Pangulong Joseph Estrada ang ginawang paratang ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel na ‘pera’ ang kapalit sa pagkakasama ni dating Sen. Juan Miguel Zubiri sa senatorial line-up ng United Nationalist alliance (UNA).

Sa isang panayam, sinabi ng dating Pangulo na walang malaking pondo ang alyansa para suportahan ang kandidatura ng mga isasabak ng UNA sa 2013 mid-term elections.

Ayon pa kay Estrada, naghahati-hati sa gastusin ang liderato ng alyansa kung magkakaroon sila ng pagpupulong o iba pang aktibidades.

“We are not in the position. How can we have money? We are chipping in every time UNA meet. I cannot understand what former Senator Aquilino Pimentel, Jr is saying,” pagdidiin pa ni Estrada.

Gayunpaman, sinabi rin ng pangulo ng Partido ng Masang Pilipino (PMP) na hindi siya nakikipag-away kay Pimentel dahil mahal nito ang pamilya ng senador.

Dagdag pa ni Erap na hindi umano nila kayang kunin ang serbisyo ng mga survey firm upang magsagawa ng pananaliksik kung may pag-asa bang makasama sa ‘magic 12’ ang kanilang mga kandidato sa pagka-senador.

Nauna nang inihayag ni Pimentel na pera umano ang naging pangunahing sukatan kung ano ang maganda at tama sa larangan ng pulitika sa loob ng alyansa.

“It seems that money is now the principal measure of what is good and right in the political arena. But if UNA will not stand for principles, who will? And if not now, when?” sang-ayon pa kay Pimentel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply