Pari kay PNoy: ‘Epal’ na pulitiko, ipagbawal

NANAWAGAN ang isang aktibistang pari kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na ipagbawal sa mga ‘epal’ na pulitiko na ilagay ang kanilang mga pangalan at mukha sa mga poster o billboard.

Hinimok ni Solidarity Philippines lead convenor Rev. Father Joe Dizon si Pangulong Aquino na maglabas ng kautusan na nagbabawal sa mga pulitikong ilantad ang kanilang mukha sa mga naglalakihang billboard bilang paghahanda sa darating na 2013 midterm elections.

Ayon kay Dizon, kung gaano kapursigido noon si PNoy na mawalis ang wangwang o naghahari-harian sa lansangan ay maging ganun din sana ito kaseryoso para ipagbawal ang mga pulitikong nananamantala sa kanilang mga katunggali kahit matagal pa ang halalalan.

Iginiit ng pari na malinaw pa sa ‘bolang kristal’ na nais lamang ng mga pulitiko na matandaan sila ng mga tao at muling mahalal sa susunod na eleksyon kung kaya’t ibinabalandra ng mga ito ang kanilang mga mukha sa naglalakihang bill board at tarpaulins.

“Akala ko ba walang wangwang? Akala ko ba ayaw ni Pnoy ng mga naghahari-harian? Madali lang naman yan kung talagang ayaw ni PNoy ng wangwang ay maglabas siya ng statement na ayaw niya ng mga pulitikong naglalagay ng mga mukha sa plakard o billboard tapos ikinakabit sa mga gilid ng lansangan. Utusan niya ang DILG at manduhan ito para kausapin ang mga lokal opisyal na ayaw ng Pangulo sa mga epal na pulitiko,” ayon pa kay Dizon, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Binigyang-diin pa ng pari na ito ay isang uri ng panlalamang sa kapwa at dagdag lamang sa basura sa lansangan.

Ang pahayag ni Dizon ay kasunod nang kapansin-pansing pagdami ng mga billboard, posters at tarpaulins sa mga lansangan na may mga larawan at pangalan ng mga pulitiko bunsod na rin nang nalalapit na halalan sa susunod na taon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply