Parusa sa politikong balimbing nakaamba

BABALA sa mga pulitikong mahilig bumalimbing o tumawid bakod ng political party.

Ito ay makaraang lumusot na sa committee level at inindorso ng 17 senador ang panukalang magpapataw ng mabigat na parusa sa sinumang pulitiko na nagpalit ng partido matapos itong magwagi sa eleksyon.

Sa Senate Bill no. 3214, kabilang sa mga panukalang parusa sa isang pulitiko na kumalas sa partido ay awtomatikong pagbibitiw sa pwesto na napagwagian, tatlong taong pagbabawalang tumanggap o maluklok sa anumang pwesto sa gubyerno at pagbabayad ng ginastos ng partido sa kanyang kampanya na may tubo pang 25 porsyento.

Ikinatwiran ng mga senador na ang pagiging balimbing o hunyango ng isang pulitiko ay hindi magandang kwalipikasyon sa pagsapi nito sa isang political party.

Bukod dito, layunin din ng bill na i-subsidy ng gubyerno ang gastusin ng mga partido pulitikal para hindi umaasa sa mga campaign contribution o suportang pinansyal mula sa mga illegal sources at personalidad na mayroong vested interests.

Sa panukala, bubuuin ang isang state subsidy fund na ipamamahagi sa mga national political aprties na dadaan sa mahigpit na accreditation process ng COMELEC.

Ang government subsidy ay idadagdag na pondo na pwedeng malilikom ng mga partido mula sa private contributions na lalagyan ng limitasyon ng hanggang 100-libong piso kapag mula sa isang tao at hanggang isang milyong piso naman kung mula sa isang kumpanya o korporasyon.

Nakasaad din na 75 porsyento ng subsidy ay gagamitin sa election campaign at 25 % naman sa pagpapalakas ng partido.

Inaatasan naman ang COMELEC at COA na masusing bantayan ang pagtanggap at paggastos ng pondo ng mga political party.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply