Parusang bitay ibalik vs druglord, mandarambong

MARAMING nagaganap na krimen na mabibigat at dapat na lapatan ng kaukulang aksyon, lalo na ng pamahalaan.

Kabilang sa mga krimen ang malalang droga at malala ring korapsyon at pandarambong.

Malalakas ang loob ng mga gumagawa ng mga krimeng ito dahil sa pagbasura sa parusang bitay noong panahon ni Gloripie na patuloy namang pinaiiral ng kasalukuyang pamahalaan.

Tingnan ninyo, Suki.

Dahil sa kawalan ng parusang bitay, hindi nababawasan ang mga korap, druglord at mandarambong.

May nahuhuling druglord at may natatanggal sa puwestong mga korap at mandarambong ngunit nananatiling matindi ang kanilang mga krimen.

oOo

Nananatiling matindi ang krimeng kaugnay ng droga, korapsyon at pandarambong dahil sa pagdami rin ng mga gumagawa nito.

Dumarami ang mga druglord dahil sa pagdami ng kanilang mga biktima,  pagiging lunsaran ng droga sa ibang bansa ng repablik ni Juan at pagdami rin ng kanilang mga protektor sa pulisya at ibang sangay ng pamahalaan.

Meron pa ngang mga druglord na kahit nakakulong na ay nananatiling druglord dahil sa mga galamay nila sa loob at labas ng mga kulungan at pamahalaan.

May mga druglord ding nananatiling malaya dahil sa proteksyong ibinibigay sa kanila ng mga korap at mandarambong na karaniwang mga kawatan din sa pondo ng pamahalaan.

Dumarami rin ang mga korap at mandarambong sa tuloy-tuloy na paghahari ng dinastiya o magkakamag-anak sa pulitika at pagdami ng iba pang mga politiko sa paglipas ng panahon.

oOo

Kung mabitay lang kahit ang maraming druglord na napatunayan na ng mga hukuman na nagkasala at ang mga politikong ayaw pumirma sa waiver dahil sa pagiging kawatan, tiyak namang lalaya tayo sa mga salot na ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply