Pasahero ng MV Josille natagpuang walang ulo, kamay

NATAGPUAN na ang katawan ng huling nawawalang pasahero ng lumubog na MV Josille sa karagatan ng Palawan kaninang dakong alas 8 ng umaga (Hunyo 20), ayon sa Philippine Coast Guard.

Ang  bangkay ni Mark Angelo Esmeria ay natagpuang walang ulo at dalawang kamay. Pinaniniwalaang sinagpang ng mga malalaking isda na tulad ng pating at barakuda ang parte ng katawang ng biktima.

Sa pagkakatagpo sa huling nawawalang pasahero, tumigil na ang PCG sa kanilang recovery operation sa lugar.

Gayunman, ikinasa na ng awtoridad ang masusing inbestigasyon sa insidente.

Bumiyahe pa rin ang nasabing barko sa kabila ng malalakkng alon na dulot ng isang shallow low pressure area (SLPA) nitong nakaraang linggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply