Pasahero ng shuttle service nilimas ng holdaper

NILIMAS ng apat na armadong holdaper ang mamahaling gamit at salapi na aabot sa P300,000 mula sa 14 na pasahero ng shuttle service kaninang umaga Marikina City.

Pinakamalaki sa nakulimbat ng mga holdaper ang laptop na nagkakahalaga ng US$900 na pag-aari ng kababakasyon pa lang na ship captain na si Francisco Espina ng Brgy. Lumang Bayan, Antipolo City kabilang pa ang cellphone at cash sa wallet nito.

Nabatid na dakong alas-6:25 ng umaga nang magsakayan ang mga biktima sa terminal ng shuttle service sa Masinag, Antipolo City na pag-aari ni Mario Antonio Sicat na isang Nissan Urvan (UVR-410) at lingid sa kaalaman ng driver na nahaluan na sila ng mga holdaper na nagdeklara ng holdap pagsapit sa SM Marcos Highway.

Sa pag-iimbestiga ng mga tauhan ni Marikina City PNP Chief, Sr. Supt. Gabriel Lopez sa pangunguna ng hepe ng CID na si Sr. Insp. Eduardo Cayetano, lumalabas na isang alyas Philip Bautista, 29, ng Brgy. Fortune ang nasa likod ng panghoholdap kasama ang tatlong iba pa na siya ring nangholdap sa Rocket Fuel Gas Station.

Ayon kay Sr Supt. Lopez, si Bautista ay kalalaya pa lang sa parehas na kaso at nakapagpiyansa sa tulong ng tumatayong lider ng grupo na naaresto naman kahapon sa kasong pag-iingat ng ipinagbabawal na droga na si Ritchie Grande na ika-6 sa most wanted sa Marikina City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply