Pasahod sa mga bus driver epektibo sa Hulyo 1

IPATUTUPAD na sa Hulyo 1 ang pasahod at insentibo sa mga bus driver at kundoktor, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na magiging dalawang portion ang gagawing pasahod kung saan iyong unang kalahati ay hindi bababa sa minimum wage alinsunod kung saan rehiyon sila nagbibiyahe.

‘”Yung second part, based dun sa net revenue ng company. Mag-uusap sila company officials, ‘yung drivers at conductors representative, kung magkano halimbawa, ilang percentage ng net revenue ang mapupunta sa kanila,” ayon pa kay Jacob.

Kaiba aniya ang sistema sa dating commission basis kung saan dito ibinabase ang share ng individual drivers dahil kapag maganda aniya ang records at walang aksidenteng kinasangkutan ang drivers o traffic violations at wala ring reklamo sa mga pasahero ay dito naman ibabase ang malaking share niya.

“Kung ano ‘yun plus ‘yung minimum wage, paaaprubahan nila sa Department of Labor and then ‘yung Labor [department] ang mag-i-issue ng compliance certificate.’Yun ang gagamitin natin para i-retain or ika-cancel ‘yung prangkisa,” paliwanag pa ni Jacob.

Layon aniya ng hakbang na ito ang maiwasan ang mga aksidente sa daan, na kadalasang kinasasangkutan ng mga bus driver.

“May incentive sila. Ang kaibahan lang ngayon, ‘yung incentive, na tinatawag nila ngayon ay bonus, ay hindi based ‘dun sa dami ng pasahero kundi based dun sa safety records nila, ‘yung performance nila sa kalsada. Kasi ang layunin natin is mabawasan ‘yung reckless driving sa kalsada

Paliwanag pa ni Jacob na dahil sa commission basis ay nag-aagawan at nakikipag-unahan ang mga drayber na nauuwi sa aksidente.

Samanatala, ilang bus operators ang umalma sa fix salary scheme para sa drivers at kundoktor.

Sinabi ni Atty. Grace Adducul ng Metro Bus Transport Club, posible aniyang tamarin na ang mga driver na kumuha ng pasahero dahil fix na ang kanilang suweldo.

Aniya, kapag yan ay mangyari ay tiyak na liliit naman ang kita ng mga bus company at mga operators at sila naman ang malulugi.

Giit din ni Adducul na kaya lang naman nag-aagawan ang mga bus driver ng pasahero sa lansangan ay dahil na rin sa dami ng nagsusulputang mga bus ngayon na pumapasada sa kaparehong ruta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply