Pasay lady wrestlers nakaginto sa 2012 Philippine National Games

NAKASUNGKIT ng gintong medalya ang tatlong kababaihan mula sa lungsod ng Pasay sa katatapos na 2012 Philippine National Games (PNG) na ginanap sa Dumaguete City.

Ang mga lady wrestler na nakaginto sa nasabing paligsahan ay kinabibilangan nina Edralyn Calitis, 31, Cristina Vergara, 32, at Efrelyn Crosby, 29, pawang residente ng Villamor Airbase, Pasay City.

Pinabagsak at dinaig ng tatlo ang 11 katunggali mula sa iba’t ibang bansa.

“We are very happy that we were victorious in Dumaguete. Naniniwala kami na nagawa namin ito dahil sa moral support na ibinibigay ng aming team at sa suporta na rin na binigay ng Pasay City Government, natutuwa kami dahil nagbunga ang aming masigasig na training,” ayon kay Crosby.

Ang tatlong Pasay pride ay pinasalamatan ni Pasay City Mayor Antonino na naniniwala at nananalig na marami pang kabataan mula sa lungsod ang sisibol na may potensyal sa larangan ng palakasan.

Sina Crosby, Calitis and Vergara ay pawang mga miyembro ng Philippine Wrestling Team, na lumhok nitong nakaraang taon sa national games.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply