Paslit inespada ng kapatid, 2 daliri putol

WALO na lamang ang natirang daliri sa kamay ng isang paslit matapos hatawin ng espada ng kanyang kapatid na isa ring paslit ang kamay nito sa Aklan kaninang umaga.

Isinugod naman agad sa Aklan District Hospital ang biktimang si John Vincent Crisostomo, isang taong gulang at pitong buwan pero hindi na naibalik pa ng mga manggagamot ang dalawang daliri nito sa kanang kamay.

Isasailalim naman sa debriefing medication ang nakatagang kapatid na biktima na itinago sa pangalang Totoy, 5-anyos upang malampasan ang trauma na inabot nito dahil sa insidente.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa bahay ng magkapatid sa Barangay Caiyang Batan, Aklan.

Bago ito, gumagawa si Totoy ng baril-barilan gamit ang espada ng kanilang tatay nang lumapit ang biktima at pakialaman ang ginagawa ng kanyang kapatid.

Sa pag-aalang may nasira, sinaway ni Totoy ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng paghampas ng espada pero inabot ng talim ang dalawang daliri nito.

Planong ilagay na lamang sa isang garapon ang dalawang daliri ng biktima bilang souvenir nito hanggang sa pagtanda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply