Paslit sugatan sa sunog sa Kyusi

NAGTAMO ng paso sa katawan ang isang 4-anyos na babae matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Commonwealth, Quezon City  kaninang tanghali.

Base sa pahayag ng ina ng batang nagtamo ng sugat na nakilalang si Ma. Cecilia Donato, naglalaro ng posporo ang kanyang anak, na naging sanhi ng sunog.

Bandang alas-12:00 ng tanghali nang magsimula ang sunog na naapula bandang alas-12:50 rin ng tanghali.

Kasalukuyan pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang halaga ng pinsala ng sunog na umabot na sa ikalawang alarma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply