Pastor, misis na may kasong frustrated murder dinampot

SA LOOB mismo ng simbahan, kinuwelyuhan ng pulisya ang isang pastor at ang kabiyak nito dahil sa kasong frustrated murder sa General Santos City kaninang umaga.

Sumuko naman agad ang mag-asawang sina Gary Miguel at Lyn-Lyn Limaguas nang isilbi sa kanila ang warrant of arrest na pirmado ni Judge Solano Flordeliza ng 6th Municipal Circuit Trial Court sa Abad Santos, sa Davao del Sur.

Ayon kay P03 Alex Calzado ng Makar PNP, dinampot ang magasawa sa pangunguna ni SPO3 Rey Sano ng Regional Intelligence Unit dakong alas-8:00 ng umaga habang sila ay nakikinig ng misa sa isang simbahan sa Sitio Pao-Pao sa Barangay Sinawal, sa General Santos.

Pinayagan naman ang mag-asawa na makapagpiyansa ng P200,000 bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan pero dahil wala pang pera ay idinitine muna sila sa Regional Intelligence Unit sa Camp Lira.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply