Patang-pata si Ate Vi sa ‘The Healing’

ISANG bonggang presscon launch ang handog ng President at CEO ng The Generics Pharmacy, Mr. Benjamin Liuson sa ating mahal na gobernadora ng Batangas na si Gov. Vilma Santos-Recto. Napili ang aktres-politiko para gabayan ang pagpapalaganap ng murang gamot sa pamamagitan ng The Generics Pharmacy.

Na-tackle din sa prescon ng The Generics Pharmacy kung paano mapo-fulfill ng ating Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang responsibilidad bilang ina, bilang asawa at bilang public servant sa pagiging ambassador ng The Generics Pharmacy.

Pahayag ni Ate Vi (palayaw sa aktres-politiko) sa Shangri-La, Makati kung saan ginanap ang launching ng kanyang bagong endorsement, “Nagkataon lang kasi na ang priority ko as a mother of course…I want my children or my family to be healthy. Ano ako e, nagpa-panic ako sa sakit, in real life. So, I want my children to be heal- thy. Kaya’t bilang ina ng Batangas, first priority ko rin yong health project ko and if I may share with you, ang susunod kong project don, yong may acronym na H.E.A.R.T.S (H is for Health)..” ani ate Vi.

Binibigyan daw ng kanyang pamahalaan ng malaking pondo ang kalusugan to make sure na ang kanyang mga nasasakupan at immediate family ay malulusog.

Kaya daw no’ng kausapin siya ng The Generics Pharmacy CEO, Benjamin Liuson, hindi na siya angdalawang-isip. “Ito po kasi ‘yong nagbibigay ng gamot na masasabi nating affordable, safe at effective,” aniya pa.

Kinumpara pa ni Ate Vi ang mga branded sa generics na gamot, “Kapag bibili kayo ng bag, ‘di ba parehong leather ‘yon, ‘di ba? (parehong) Original leather pero ‘pag nilagyan ng tatak yong isa, dadagdag ang presyo no’n.. Parehong leather yon ha at ‘yan ang Generics Pharmacy. Wala nga lang tatak pero pareho po yong epekto na makapagpapagaling.”

–@@@–

SA NASABING panayam kay Ate Vi, ipinagmamalaki nito ang katatapos lamang nilang sinyuting na pelikula, ang “The Healing” with Kim Chiu, Pokwang, Allan Paule at marami pang iba. “Grabe. Grabe ang The Healing, it’s a suspense thriller and if I’m not mistaken, sabi ni Direk Chito Rono, pinaka-suspense na nagawa niyang pelikula ito (The Healing).” Masayang balita ni ate Vi sa movie.

Kaya lang, imbes na sa July 11 ito ipalalabas sa almost 100 theaters nationwide, hiniling ni Ate Vi na iurong ang play-date to give more time sa cast ang production crew na magpo-post-prod at dubbing.

As of presstime, lumipad na papuntang Hawaii sina ate Vi, with husband senator Recto at son Ryan Christian.

“Para maiba naman,” ani Ate Vi. “Kung papansinin niyo kasi, puro sa Asia kami. This time, sa Hawaii naman para maiba.” aniya muli.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply