Patay kang batang media sa Data Privacy Act

BUKAS, magpupulong umano ang mga mambabatas sa Kongreso para sa pagpapasa ng Data Privacy Act.

Ang DPA ay ginawa para sa proteksyon ng pagkapribado ng mga tao at rekord o data na hawak ng mga dayuhan at lokal na kompanya na kasali sa business process outsourcing.

Pero hindi hanggang dito lang, Suki, ang sakop ng batas na ‘to.

Kasali pala sa mga protektado ng DPA ang “race, ethnic origin, color, religious, philosophical o political affiliation.”

oOo

Ang sabi, sinomang tao o organisasyon na maglalabas sa internet ng sikreto rito nang walang pahintulot mula sa mga  kinauukulan, kakasuhan siya o sila at kung ma-Corona, este, makitang gilti sila, makukulong sila ng hanggang sa limang taon at magbabayad ng halagang hanggang P2 milyon.

Eh, kung lalabas ang balita sa mga pahayagang electronic gaya ng Remate On-Line o International hanggang sa mga diaryo, radyo at telebisyon, kakasuhan, makukulong at magbabayad din ang lahat ng mga sangkot sa balita.

Sabi ng Section 31 ng panukalang batas, “The responsible reporter, writer, president, publisher, manager and editor-in-chief” will be held liable for the violation.

Kita n’yo, Suki?

oOo

Dito, hindi na lang ang mga whistleblower kundi pati ang mga batang media ang madadale.

Op kors, oki tayo sa respek por praybasi.

Pero paano kung ang praybasi na yan ay makasisira na sa iba, kasama na ang repablik ni Juan?

Paano kung ang praybasi na yan ay katulad ng praybasi ni ex-Chief Justice sa kanyang dollar account, huh?

Isa pa, paano na ang sinasabi ng Konstitusyon na “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press… sa Section 4, Article 3?

‘Di kaya unconstitutional ang DPA na ‘to?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply