Patay na sanggol natagpuan sa basurahan

HINIHINALANG inilaglag mula sa kanyang sinapupunan ng isang walang pusong ina ang kanyang sariling anak nang madiskubre ng isang ginang sa bunton ng mga basura ang bangkay ng isang babaeng sanggol kamakalawa ng hapon sa Paranaque City.

Hindi makapaniwala si Jonila Archangel, naninirahan sa floating houses sa Coastal Road, Barangay San Dionisio na magagawa ng isang ina na ilagay sa isang malaking garapong plastic ang patay na sanggol at itapon na lamang sa bunton ng mga basura.

Malaki naman ang hinala ng pulisya na sapilitang inilaglag ang sanggol na hinihinalang pitong buwan na sa sinapupunan at isiniksik sa bunton ng mga basura bago madiskubre ni Archangel dakong ala-1 ng hapon

Kaagad namang nagsagawa ng pagsisiyasat sa mga naninirahan sa floating houses na itinayo malapit sa Fisherman’s Wharf si PO1 Johnny Margate ng Paranaque Police Criminal Investigation Section subalit isa man sa mga residente ay walang makapagturo kung sino ang posibleng nagtapon ng patay na sanggol.

Pansamantala namang inilagak sa Royalty Funeral Homes ng pulisya ang nadiskubreng patay na sanggol habang hindi pa natutukoy ng pulisya kung sino ang may kagagawan nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply