Patuloy ang pagbaha, bulsa ang tumaba

BUMUHOS na ang ulan at humunos ang lupa at putik sa mga bahagi ng mga ilog na hinukay konti, kundi kunwari, bilang milyon-milyong halagang proyektong “dredging” o pagpapalalim ng daluyan ng tubig upang maiwasan daw ang pagbaha.

Kasamang natabunan sa isang buhos lang ng hindi pa naman katindihang ulan ang anomang indikasyon na nag-dredging o pinalalim nga ang ilog at daluyan ng tubig kaya wala nang makaka-question dito.

Resulta?

Ito Ang Totoo: Simula pa lang ng tag-ulan, tuloy pa rin ang mga pagbaha, ilang taong pinagkaperahan ang proyekto, sisipol-sipol patungo sa bangko.

Halimbawa sa lungsod ng Olongapo, baha agad sa main road na Rizal Avenue, partikular ang bahagi sa tapat ng Public Market na ilang metro lang ang layo mula sa city hall.

Baha rin agad as usual sa may Elicaño St. mula mga kanto ng 20th, 21st, 22nd, 23rd at 24th Sts. sa Brgy. Bajac-Bajac tulad ng Fendler St. sa Brgy. East Tapinac bago dumating ng R. Magsaysay

Drive. Kahit  sanay  na  sa mga pagbaha sa taon-taong ginawa ng Diyos, natataranta pa rin ang mga residente lalo na sa Brgy. Sta. Rita na maraming bahagi ang kung bahain ay lampas-tao.

Kawawa ang mga bata, matatanda, babae o lalaki, lahat apektado ng baha, kasama na ang mga ari-arian na kahit payak, para sa mahihirap ay napakahalaga dahil sa pinaghirapan ang perang ipinambili, hindi galing sa kurakot.

Milyon-milyong pisong ginugugol taon-taon para sa pagpapalalim ng mga ilog pero patuloy pa rin ang pagbabaha, bulsa lang ng iilan ang tumataba mula sa pera ng taumbayan.

Tulad ng sa maraming bahagi ng ating bansa, kailangan na ng totohanang pagharap sa problema ng pagbabaha.

Kailangan ng proyektong makatitiyak na pipigil sa pagbabaha upang mapigil na rin ang mga pakitang-taong proyektong pinagkakakitaan na, pambobola pa sa mamamayan ng mga politiko, kunwari may ginagawa laban sa baha para makakuha ng boto.

Ito Ang Totoo!

***
Ipaabot sa Ito Ang To-too sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www. facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/14387620-9055760

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply