Pautang sa mga magsasaka, mangingisda pinalakas pa

INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 6118 na direktang susuporta at magpalakas sa pautang ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa mga benepisaryo ng repormang agraryo gaya ng maliit na magsasaka at mangingisda.

Ang HB 6118 na ipinalit sa HB No. 5593 at House Resolution no. 1615 at 1636 ay maglalaan ng special socialized credit window na liliban mula sa pamantayan ng pautang ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng
Commission on Audit.

Maglalaan ng limang porsiyento (5%) ang LBP sa regular nitong loan portfolio, na mananatili sa hiwalay na special window para sa socialized credit sa kwalipikadong malilit na magsasaka, mangingisda at agrarian reform beneficiaries (ARB) at tanging tinutustusan proyektong agrikultura alinsunod sa probisyon ng Section
4 ng Republic Act 10000, ang Agri-Agra Law.

“Ang lahat ng pautang na dadaan sa special credit window ay kwalipikado bilang bahagi ng pagsunod ng banko sa Agri-Agra Law. Ang utang sa ilalim ng credit window ay magkakaroon ng interest rate katumbas ng hindi hihigit sa 75% ng kasalukuyang rate ng banko sa kooperatiba,” sabi ni Rep. Agapito Guanlao (party-list, BUTIL).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply