PBA: Blaze, Ginebra magtatagisan ng lakas

Games Today: (Smart Araneta Coliseum)
4:15pm Alaska vs Meralco
6:30pm Petron Blaze vs Barangay Ginebra Kings

KAPWA mula sa pagkabigo, magtutuos mamayang gabi ang Petron Blaze Boosters at Barangay Ginebra para maibalik sa teritoryo ang kontensiyon sa pag-ariba ng Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Parehong pakay ng Petron at Ginebra na makabangon sa laban ng alas-6:30 ng gabi at masasaksihan ang banatan ng Alaska Aces at Meralco Bolts sa firist game ng alas-4:15 ng hapon.

Katatapos lang ng Petron sa pagkabigo, 107-111 kontra sa Barako Bull kamakalawa at bumagsak sa 3-2 ang kartada.

Nagbida sa Boosters sina Eddie Basden at Jay Washington sa tig-23 puntos habang may 16 si Chris Lutz at si Alex Cabagnot ay 12.

Tigasin pa rin para sa Ginebra si Cedric Bozeman at Mark Caguioa.

Nagmula ang Kings sa 90-93 na pagkatalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters kaya’t determinadong makabawi sa pagkakataong ito.

Nasa gitna ng standings sa ngayon ang Ginebra tangan ang 2-2 rekord.

Sa kabilang banda, binahiran ng Powerade Tigers ng dungis ang rekord ng Rain or Shine sa bendisyon ng 104-98 panalo.

Muling nagpasiklab si Gary David nang pumukol ito ng 30 puntos habang naging katuwang nito ang import na si Omar Sneed na bumanat ng 24 puntos para sa Tigers.

Nagpakawala naman ng 12 puntos si Jayvee Casion at 11 si Lordy Tugade para dalhin ang Tigers sa ikatlong sunod na panalo sa limang asignatura.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply