PBA: Boosters pinalamon ng usok ang B-Meg

INIHATID ni Jay Washington ang Petron Blaze Boosters sa napakahalagang pagwawagi para tanghaling Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup Player of the Week.

Nakapagtala ng 29 puntos, 9 na rebounds at 3 steals si Washington para bitbitin ang Petron sa 92-80 panalo laban sa B-Meg Llamados kamakalawa ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bunga nito, umangat ang record ng Petron sa 4-3 habang nalaglag sa 5-2 marka ang Llamados at masolo ang pamumuno sa Rain or Shine Elasto Painters na may 6-1 kartada.

“Makikita mo talaga ang determinasyon niya, kahit before, sa mga practices, and in our first few games. Alam niyang it may take more time bago bumalik ng husto ang laro niya pero once na bumalik na ng husto iyon, watch out,” ayon kay  Petron coach Ato Agustin.

Sa nakaraang komperensiya, may average scoring si Washington na 16 points at 10 rebounds sa laro pero na-injury ito para bumaba sa 10.3 points at 6.0 rebounds ang average game.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply