PBB season 4 big winner Slater Young naaksidente

NAAKSIDENTE ang PBB Season 4 big winner na si Slater Young habang papauwi sa kanilang bahay sa Cebu City.

“Akala ko nasa main road pa ako ng subdivision mabilis yung takbo ko. Pag-right turn ko akala ko yun yung daanan yun pala may cul-de-sac (dead end) na siya. Ayun pag-break ko, tumama ako sa gate.”

Ayon sa aktor, iniwasan niyang mabangga ng malakas sa isang gate kaya diniinan niya ang pag-apak sa brake.

Aminado naman si Slater na bahagyang inaantok siya habang nagmamaneho.

Sa kabutihang palad, wala namang baling ugat o buto sa kanang paa ang aktor bagama’t kailangan niyang magsaklay ng dalawa hanggang tatlong araw.

” Twisted my foot. Galing ako sa xray.. Thank God bruised lang! :) have to use crutches for a few days though,” bahagi ng tweet ng aktor.

Nagpasalamat si Slater sa mga fans na nagpa-abot ng pag-aalala sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply