PBB Teen Edition 4 sa nalalapit na pagtatapos

ISANG linggo na lang at matatapos na ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4. Sino kaya ang tatanghaling Teen Big winner?

Kagabi naibunyag na ang tatlong pasok sa Teen Big 4 na pinangunahan ni Roy Requejo (Camarines Sur) na ipinaglaban ang kanyang slot. Sa pamamagitan naman ng voting ay nakapasok sa Big 4 ang cost-player na si Myrtle Sarrosa (Iloilo) at si Karen Reyes (Oriental Mindoro).

Tuluyan namang napauwi ang Chiniti Guwapito ng Laguna na si Alec Dungo habang tuloy ang laban ng Bibang Kambal na sina Jai & Joj Agpangan at ang papa ni Karen na si Ryan Boyce para sa isa pang slot ng Big 4.

Subaybayan ang tunggalian ng mga teen housemate sa mga susunod na araw.

At abangan kung sino-sino ang mga maaaring sumunod sa yapak nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Ejay Falcon, Robi Domingo, Matt Evans.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply