PCG: Barko mula Indonesia nagpalubog sa Pinoy vessel sa Pangasinan

NILINAW ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi isang Chinese vessel  ang naging dahilan ng aksidente sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon kay Vice Admiral Edmund Tan, Commandant ng PCG, base, aniya, sa paunang  impormasyon na kanilang nakalap mula sa nakaligtas na mangingisda, lumalabas na dahil sa sama ng panahon kaya nagkaroon ng aberya ang mga mangingisda sa karagatan.

Napag-alaman na una nang lumubog ang kanilang bangka at para hindi sila magkahiwa-hiwalay ay itinali nila ang bangka sa isang payaw.

Dumaan naman ang isang malaking bulk cargo vessel na mula sa Indonesia patungo sa  direction naman ng China.

Tiyempo umanong nadaanan ang payaw kung saan naroon ang mga mangingisdang Pilipino.

Ito umano ang naging dahilan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga mangingisda na nagresulta naman ng pagkamatay ng isa, tatlo ang nakaligtas at apat ang patuloy na  pinaghahanap.

Nilinaw din ni Tan na hindi maaring iugnay ang usapin sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal dahil malayo ang pinangyarihan sa pinag-aagawan isla.

Inaalam naman ngayon sa pamamagitan ng counterpart ng PCG ang isang bulk carrier pitch mountain na isang Hongkong registered kung ito ang nakasagi sa nakalubog ng  fishing boat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply