PCG, naniniwalang buhay pa ang 4 na mangingisdang nawawala

MALAKI ang paniniwala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lalawigan ng Pangasinan na buhay pa ang apat na mangingisdang na nawawala.

Ang pagkawala ng mga mangingisda ay matapos ang insidenteng mabangga ang sinasakyan nilang fishing boat sa bahagi ng Bolinao sa nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Coast Guard Pangasinan Commander Lt. Adonis Añasco, umaasa siyang napadpad lamang ang mga ito sa dalampasigan sakop ng lalawigan ng Ilocos at doon pansamantalang humimpil.

Iginiit pa ng opisyal na search and rescue operation at hindi search and retrieval ang kanilang ginagawa sa pag-asang buhay pa ang mga mangingisda.

Kaugnay nito, nagpadala na ng chopper ang PCG upang tumulong sa paghahanap.

Ayon kay PCG Northern Luzon Commander Captain Leopoldo Laroya, susuyurin nila ang karagatan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Norte upang magbakasakaling matagpuan ang mga mangingisda.

Nauna nang ipinadala ang isang barko sa lugar para sa search and rescue operations katulong ang mga lokal na mangingsida.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply